Friday, April 23, 2010
Yosi't Kape
Bumalik sa aking alaala ang mga panahong palihim kitang tinitingnan.Bawat araw noon ay kaligayahan ang dulot.Bawat araw na para bang ayaw ko ng matapos pa.Sa bawat tingin ng iyong mapupungay ng mata ay halos lunurin ako sa aking kinauupuan noon.Isang ngiti lang ng iyong mapupulang labi ay napapawi na ang mga problema na kumikitil sa aking isipan.Di maikakatwa na ang ganda-ganda mo noon hanggang nagayon. Pilit kong minahal kita ng palihim noon dahil dun lang ako nagkakaroon ng lakas ng loob para masabi kong ikaw ay akin. Lakas ng loob upang mahagkan ko ang iyong malalambot na kamay, lakas ng loob upang madampian ko ang iyong labi. Araw-araw minamahal kita kahit alam kong imposibleng matugunan mo iyon. Pero kuntento na ako dun. Isang hamak na lalaking nagmamahal lang ako noon. Walang maipagmamalaki. Pero ayos lang yun,nasabi ko na lang sa sarili ko. Lakasan lang ng loob. Basta ang alam ko gagawin ko ang lahat para mapansin mo sa paraang alam ko. At kumampi sa akin ang langit.. Puno man ng paruparo ang sikmura ko at dinadaga ang dibdib ko, ay nagkaroon ako ng pagkakataon na makausap ka ng malapitan. Parang tumigil ang mundo ko ng oras na iyon. Wala akong pakialam sa ingay ng mga kapwa ko estudyante na dumadaan sa harapan namin. Wala akong pakialam sa bell ng paaralan namin na nagpapahiwatig na oras na ng susunod kong subject. Wala akong pakialam sa kahit ano. Hindi ko pinalampas ang pagkakataong iyon. Parang musika sa aking pandinig ang kanyang tinig. Nakakalusaw. Ang ganda -ganda niya sa malapitan. Lumipas ang araw na iyon na di nawawala ang ngiti sa aking mga labi. Hindi rin ako nakatulog ng gabi ding yun. Kumikislap pa rin sa aking isipan ang pagtatagpong yun na matagal ko ding inasam mula ng araw na makita at malaman ko ang kanyang pangalan. Bagama't nagdadalawang- isip, ay isang plano ang nabuo sa aking isip. Armas ang mga matatamis na salita na binuhay sa papel, ipinahiwatig ko sa kanya ang lihim kong nararamdaman. At bawat tanggap niya ng mga makahulugang mga papel na iyon ay isang simpleng ngiti lang ang kanyang tugon. Ngiting parang naaaninag ko na may ibang kahulugan, at di ko gusto...
At nagtapat ako... Ngunit dahil sa alam ko na ang magiging sagot nya, hinanda ko na ang aking sarili sa ganung sitwasyon. Suntok sa buwan, ika nga. Isang madagundong na "Ayoko.." ang pumanting sa aking tenga sa mga oras na yun. Tinanggap ko ng walang pag-alinlangan yun dahil wala akong karapatan na kwestyunin yun dahil sa obvious na mga rason. Hanggang kaibigan lang daw ang kaya nya. Alam ko na yun. May madadagdag na naman sa listahan ng aking mga "kaibigan". Masakit pero nasanay na ako at magsasanay at magsasanay ako.
Pinilit ko siyang iwasan. Pinilit ko siyang huwag tingnan. Pinilit kong huwag siyang lapitan. Ngunit kahit anong pilit ko, siya at siya pa rin ang laman ng aking magulong isipan. Pinilit kong ibaling ang pagtingin ko sa iba. Magmove on, sabi nga. Nakahanap naman ako ng bagong "inspirasyon" pero hindi gaanong katindi tulad ng naramdaman ko sa kanya. Masaya..Malungkot..Mahirap..Komplikado..Magulo..Umayaw ako sa kadahilanang ako lang ang nakakaalam. Pero naging espesyal din sa akin ang bagong inspirasyon na yun.. Pero naalala ko pa rin "siya'.. Sa di ko alam na kadahilanan, naglaho siyang parang bula. Bigla..Mabilis.. Malungkot.. Matagal kong di nakita ang kanyang maganda't maamong mukha. Matagal kong di narinig ang kanyang malambing na boses. Para siyang yosi na sa bawat hithit at higop ay ibang ginhawa at sensasyon ang aking nararamdaman. Nakakaadik. Parang siyang yosi na kailangang mong ibuga ang usok pagkatapos mong langhapin kundi katakot-takot na ubo ang susunod. Para siyang yosi, mabilis maubos.. Madaling itapon...
Lumipas pa ang maraming araw at wala na talaga akong balita sa kanya. Ibinuhos ko na lang ang sarili ko sa mga bagay na nagpapaabala sa akin. Naging bakante na rin ang mga papel kung saan naghahabulan ang mga matatamis na salita upang masabi ko sa kanya ang aking mga nararamdaman. At lumisan na rin ang mga salitang yun.. Hindi ko na siya nakikita kung saan siya dating umuupo nun. Hindi ko na nakikita kung saan siya kumakain nun. Hindi ko na siya nakikita na kasama ang kanyang mga kaibigan. Hindi ko na siya nakikitang dumaraan sa harap ko. Ni anino..
Para siyang kape, pampagising sa natutulog na ulirat. Mainit.. Nakakapaso.. Bawat higop ay nagdadala ng init sa buong katawan.
At sa iglap,pagkalipas ng ilang taon, ay bumalik siya!Mas maganda.. Mas kaakit-akit.. Ang kanyang magandang mukha.. Ang kanyang mapupungay na mga mata., Ang kanyang manipis at mapulang labi.
Eto na naman ang pakiramdaman na yun..
Magsisimula na naman.. Badtrip..
Ilang kape na naman kaya ang mauubos ko nito??
Tinigil ko na ang pagyoyosi eh..
Nostalgia
Misery is all over me,damn this thing
Wanting someone to hold,somenone to cling
Impossible it seems..So much for a dream..
As the leaves sway with the lonely wind
This longing tends to kill me again and again
When will be the time?When will it begin?
That your hand will fit mine,such a lovely scene.
Oh, if the rain can fall,why can't you?
For i'm here to catch you whenever you do
But if you won't, i'll wait till forever
But is it possible for us to be together?
Looking at the window,sadness still clings,
To this lonely heart,so much misery it brings,
Save it from hurting,save it from bleeding,
Please don't let it be broken,save it from dying.
Someday the sun will shine and bring forth rainbow
Someday flowers will forever bloom and grow
Someday we will be both looking at the window
Someday all these dreams will come true..
Ewan
Amidst the gloomy sky,the clouds started to cry..
I'm living on your images stacked on my mind
Endlessly...It soothes me so fine...
All the heartaches i'm feeling within,
With all the ups and downs that i have been,
Was healed by your love and teaches me to begin
Unconditional..You're the reason why i'm livin'..
It's like a summer on a winter day,
Like the morning dew on the flowers of May,
Like a smiling sun on a stormy sky,
Like the flowing river in the season of dry...
Wait me at the end of this road,
And I will be there as fast as I could,
There is no place that I would rather be,
In your loving arms,it's where I wanna stay...
Moments
Darkness here it comes....
Too many thoughts..Too many things...
Restless...Tired...Exhausted...
But what the heck,i got you here with me..
Consoling...Loving...Missing day by day..
Ain't no better than this,no other way
Every moment so precious to say....
I wanna go home where you at,
I wanna sit where you sat,
I wanna do the things that you do,
I wanna go to the places that you go...
And when i'm home,i'll kiss you over and over
Till you drop and hug me so tender,
Kisses here,kisses there,kisses everywhere,
I'll kiss like there's no forever....
Don't leave me,don't leave me please,
Don't leave with no one to gazed..
Without your love,i think i'm gonna die,
You're my life,please don't make me cry...
Time passes....I don' mind..
Darkness here it comes,so be it...
Yeah,too many thoughts,too many things...
Restless no more,because you're here....
Too Much
Too little sunshine, too much rain
Too much sadness, too much vain
Too much heartaches, too much drained..
Too much hatred, too much love,
Too much tears, too much sob,
Too much words, too little said,
Too little happiness, too much fade
Too much goodbyes, too little hello's
Too much anger, too little cause
Too much sounds, too little silence
Too much stories, too little sense
Too much asked, too little received,
Too much sorry's, too little forgived,
Too much you, too little love
Too much me, too much begging from above..
Bingi
Na paulit-ulit mong naririnig sa aking mga labi.
Nabibingi ka na ba sa aking mga tanong?
Na parang sa taenga mu ay dumadagundong..
Nabibingi ka na ba pag sinasabi kong iniisip kita?
Dahil sa bawat sandali,mukha mo ang nakikita..
Nabibingi ka na ba pag sinasabi kong nag-alala ako?
Kapag ikaw ay nag-iisa sa magulong mundong ito..
Nabibingi ka na ba pag sinasabi kong mag-ingat ka?
Dahil ayokong makita na nasasaktan ka..
Nabibingi ka ba pag sinasabi kong wag kang mawawala?
Dahil kapag nandito ka ako'y di magsasawa..
Nabibingi ka na ba sa lahat ng sinasabi kong ito??
Nabibingi ka na ba pag sinasabi kong mahal kita?
Nabibingi na rin ako sa paulit-uli na sinasabi mo..
Nabibingi na ako sa sagot mong "Ayoko sa'yo..."
Tuesday, March 9, 2010
Eksena Sa Jeep
Lunes...
Alas syete na papasok na naman
Sa gilid ng kalsada'y doo'y magaantay
Ng jeep na magdadala sa akin sa patutunguhan
Ngunit badtrip ang dami kong kasabay!
Bakit ba kasi 1:60 ang ratio ng jeep sa pasahero
Hindi sana sasakit ang aming mga ulo
Sa di kalayuan may jeep ng paparating
Sa wakas, ako (at sila) ay makakasakay din
Buti na lang at sa akin ay tumapat
Isang hakbang lang at ako na'y makakaapak
Sa gara-garang jeep, puwet ko ay makakalapat
Parang katapusan na ng mundo,lahat ay nag-unahan
Tulak dito, tulak doon, siksik dito, siksik dun..
Buti na lang ako ay nakapag-almusal
Ng konting tinapay na hotdog ang palaman
Sa kamalasan ako ay naunahan
Ng isang lalaking malaki ang katawan.
Salamat sa Diyos at ako ay nakasakay na
Malas nga lang sa aking nakatabi
Isang matandang babae na may amoy na matindi
Di ko na lang pinansin hanggang ang jeep ay umariba
Pinagmasdan ko lahat ang aking mga kasabay
Ang iba'y masaya,ang iba'y matamlay
Sa bandang unahan ay aking napansin
Isang babaeng maganda at mukhang mahinhin
Pinaganda pa lalo dahil sa kanyang make-up
Mamula-mulang pisngi tulad ng ketchup
Ngunit aking napansin ang mata niya'y malamlam
Parang may kalungkutan siyang dinadamdam
Sana kahit isang saglit siya'y makita kong ngumiti
Ngiti na magmutawi sa kanyang manipis na labi..
Sa aking tapat naman isang lalaking gagalangin
Suot na uniporme, propesyonal sa unang tingin
Makinis ang balat at mukhang mestisuhin
Ngunit ng ito'y magsalita ako'y biglang napailing
Boses babae ang loko, taenga ko'y natuliling
Bakla pala si sir at ako'y lihim na natawa
Gwapo pa naman, yun pala'y isang fafa. whew!
"Bayad po!" sambit ko sa matandang drayber
Sabay abot ko sa mama sa aking unahan
Na dalawang taong pagitan sa aking kinauupuan.
Eto naman isa kanina ko pa napapansin
Di pa nagbabayad ang lalaking patpatin
Nagtutulog-tulogan hanggang makarating
Di ba siya naaawa sa pobreng drayber?
Na sa konting barya lang, maagang nagigising
Upang sa pamilya'y makapagpadala kahit burger.
Sari-saring pasahero, sari-saring pagkatao
May babae, may lalaki, dalaga, binata't matanda
Ano kaya ang kanilang mga iniisip?
Masaya ba ang kanilang mga pamilya?
Ang iba'y may kausap, ang iba'y nakaidlip
May naghihikab, may nagtetext, may nabibilang hanggang sampu
May maganda, may pangit at may hitsurang pwede na
May mataba, may payat, mayroong may kargang bata
Ang iba'y maamo ang mukha, ang iba ay galit
Dahil sa bagal ng jeep na bumibilis ng pilit
Hay, konting tiis na lang makakarating na din
Sa aming kanya-kanyang patutunguhan
Isang kanto na lang ang aming iikotan
At isang malutong na "Para!" ang aming sasabihin
Sa tabi na lang at kami'y bababa na
Sa wakas mahihiwalay na ako sa aking katabi
Sa matandang babae na may amoy na matindi
Tapos na ang tulakan at siksikan...
Anak ng...Di pa pla, my LRT pang sasakyan.
Panibagong tagisan ng lakas at ng kakayahan
Tulad ng nangyari sa jeep na nilulan..
Parang hamon lang ng buhay na dapat labanan
Dahil kung hindi makakaya ika'y mapagiiwanan..