Friday, April 23, 2010

Yosi't Kape

Higop..Hithit..Hithit..Higop..
Bumalik sa aking alaala ang mga panahong palihim kitang tinitingnan.Bawat araw noon ay kaligayahan ang dulot.Bawat araw na para bang ayaw ko ng matapos pa.Sa bawat tingin ng iyong mapupungay ng mata ay halos lunurin ako sa aking kinauupuan noon.Isang ngiti lang ng iyong mapupulang labi ay napapawi na ang mga problema na kumikitil sa aking isipan.Di maikakatwa na ang ganda-ganda mo noon hanggang nagayon. Pilit kong minahal kita ng palihim noon dahil dun lang ako nagkakaroon ng lakas ng loob para masabi kong ikaw ay akin. Lakas ng loob upang mahagkan ko ang iyong malalambot na kamay, lakas ng loob upang madampian ko ang iyong labi. Araw-araw minamahal kita kahit alam kong imposibleng matugunan mo iyon. Pero kuntento na ako dun. Isang hamak na lalaking nagmamahal lang ako noon. Walang maipagmamalaki. Pero ayos lang yun,nasabi ko na lang sa sarili ko. Lakasan lang ng loob. Basta ang alam ko gagawin ko ang lahat para mapansin mo sa paraang alam ko. At kumampi sa akin ang langit.. Puno man ng paruparo ang sikmura ko at dinadaga ang dibdib ko, ay nagkaroon ako ng pagkakataon na makausap ka ng malapitan. Parang tumigil ang mundo ko ng oras na iyon. Wala akong pakialam sa ingay ng mga kapwa ko estudyante na dumadaan sa harapan namin. Wala akong pakialam sa bell ng paaralan namin na nagpapahiwatig na oras na ng susunod kong subject. Wala akong pakialam sa kahit ano. Hindi ko pinalampas ang pagkakataong iyon. Parang musika sa aking pandinig ang kanyang tinig. Nakakalusaw. Ang ganda -ganda niya sa malapitan. Lumipas ang araw na iyon na di nawawala ang ngiti sa aking mga labi. Hindi rin ako nakatulog ng gabi ding yun. Kumikislap pa rin sa aking isipan ang pagtatagpong yun na matagal ko ding inasam mula ng araw na makita at malaman ko ang kanyang pangalan. Bagama't nagdadalawang- isip, ay isang plano ang nabuo sa aking isip. Armas ang mga matatamis na salita na binuhay sa papel, ipinahiwatig ko sa kanya ang lihim kong nararamdaman. At bawat tanggap niya ng mga makahulugang mga papel na iyon ay isang simpleng ngiti lang ang kanyang tugon. Ngiting parang naaaninag ko na may ibang kahulugan, at di ko gusto...
At nagtapat ako... Ngunit dahil sa alam ko na ang magiging sagot nya, hinanda ko na ang aking sarili sa ganung sitwasyon. Suntok sa buwan, ika nga. Isang madagundong na "Ayoko.." ang pumanting sa aking tenga sa mga oras na yun. Tinanggap ko ng walang pag-alinlangan yun dahil wala akong karapatan na kwestyunin yun dahil sa obvious na mga rason. Hanggang kaibigan lang daw ang kaya nya. Alam ko na yun. May madadagdag na naman sa listahan ng aking mga "kaibigan". Masakit pero nasanay na ako at magsasanay at magsasanay ako.
Pinilit ko siyang iwasan. Pinilit ko siyang huwag tingnan. Pinilit kong huwag siyang lapitan. Ngunit kahit anong pilit ko, siya at siya pa rin ang laman ng aking magulong isipan. Pinilit kong ibaling ang pagtingin ko sa iba. Magmove on, sabi nga. Nakahanap naman ako ng bagong "inspirasyon" pero hindi gaanong katindi tulad ng naramdaman ko sa kanya. Masaya..Malungkot..Mahirap..Komplikado..Magulo..Umayaw ako sa kadahilanang ako lang ang nakakaalam. Pero naging espesyal din sa akin ang bagong inspirasyon na yun.. Pero naalala ko pa rin "siya'.. Sa di ko alam na kadahilanan, naglaho siyang parang bula. Bigla..Mabilis.. Malungkot.. Matagal kong di nakita ang kanyang maganda't maamong mukha. Matagal kong di narinig ang kanyang malambing na boses. Para siyang yosi na sa bawat hithit at higop ay ibang ginhawa at sensasyon ang aking nararamdaman. Nakakaadik. Parang siyang yosi na kailangang mong ibuga ang usok pagkatapos mong langhapin kundi katakot-takot na ubo ang susunod. Para siyang yosi, mabilis maubos.. Madaling itapon...
Lumipas pa ang maraming araw at wala na talaga akong balita sa kanya. Ibinuhos ko na lang ang sarili ko sa mga bagay na nagpapaabala sa akin. Naging bakante na rin ang mga papel kung saan naghahabulan ang mga matatamis na salita upang masabi ko sa kanya ang aking mga nararamdaman. At lumisan na rin ang mga salitang yun.. Hindi ko na siya nakikita kung saan siya dating umuupo nun. Hindi ko na nakikita kung saan siya kumakain nun. Hindi ko na siya nakikita na kasama ang kanyang mga kaibigan. Hindi ko na siya nakikitang dumaraan sa harap ko. Ni anino..
Para siyang kape, pampagising sa natutulog na ulirat. Mainit.. Nakakapaso.. Bawat higop ay nagdadala ng init sa buong katawan.

At sa iglap,pagkalipas ng ilang taon, ay bumalik siya!Mas maganda.. Mas kaakit-akit.. Ang kanyang magandang mukha.. Ang kanyang mapupungay na mga mata., Ang kanyang manipis at mapulang labi.
Eto na naman ang pakiramdaman na yun..
Magsisimula na naman.. Badtrip..

Ilang kape na naman kaya ang mauubos ko nito??

Tinigil ko na ang pagyoyosi eh..

0 comments:

Post a Comment